-- Advertisements --
Kinansela ng organizer ang musical festival sa United Arab Emirates dahil sa banta ng giyera.
Ang nasabing konsiyerto ay pangungunahan sana ng US singer na si Christina Aguilera at Shakira na ito ay gaganapin sa Abu Dhabi.
Noong nakaraang linggo kasi ay patuloy ang pag-atake ng Iran sa mga Emirati ships na dumadaan sa Strait of Hormuz.
Nitong nakaraang araw din ay inanunsiyo ng United Arab Emirates na kanilang sinususpendi ang lahat ng trade at financial dealings sa Iran.
Tiniyak naman ng organizers na kanilang ibibalik ang pera ng mga nakabili ng tickets.















