-- Advertisements --

Aabot na sa mahigit 130,000 na mga katao ang lumikas dahil sa pag-atake ng mga Houthi rebels sa Yemen.

Ayon sa United Nations Refugee Agency (UNHCR) na mula pa noong Agosto ng sumiklab ang matinding pag-atake ng Houthi rebels ay marami na ang lumikas.

Base na rin sa pagtaya ng World Health Organization (WHO) na mayroon silang naitalang 959 na ang nasawi at 4,207 na ang sugatan sa Yemen mula Agosto hanggang Oktubre.

Tumaas din ang bilang ng mga nagkasakit ng cholera dahil sa matiding labanan.

Magugunitang pinaigting ng Houthi rebels ang pag-atake sa Yemen dahil sa pagnanais ng mga ito na makontrol ang gobyerno.