Nagpadala na nang agarang tulong ang United Arab Emirates (UAE) para sa mga komunidad na naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Kabilang sa kanilang mga ipinadala ang pagkain, relief goods, at suporta sa mga naapektyhang lugar sa Mindanao.
Layunin nang emergency humanitarian response na mabigyan ng agarang pagbangon ang mga residente sa lugar.
“This urgent UAE response stems from the country’s international responsibility toward communities and peoples facing natural disasters and crises,” ani Dr. Tareq Ahmed Al Ameri, chairman ng UAE Aid Agency.
Sinabi pa ng opisyal na ang hakbang na bahagi rin daw ito ng kanilang pagtulong sa mga bansang naapektuhan ng kalamidad tulad ng Pilipinas.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 47 ang nasawi, mahigit 688 ang sugatan, at libo-libong residente ang nawalan ng tahanan dahil sa lindol na tumama malapit sa Sarangani province noong Hunyo 8.
Nagpaabot din ng pakikiramay at suporta ang iba’t ibang bansa tulad ng Estados Unidos, Japan, China, Australia, Germany, France, New Zealand, Israel, Russia, at Ukraine.
Nauna na ring nagpadala ng mensahe ng pakikiramay si UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at tiniyak ang patuloy na suporta sa Pilipinas.
















