-- Advertisements --

Malaki ang posibilidad na makakaharap ni Pinay tennis star Alex Eala sa Miami Open si world number 3 Iga Swiatek.

Kasunod ito sa makakuha siya ng first round bye kung saan agad itong maglalaro sa ikalawang round.

Hinihintay pa nito kung sino ang makakalaro niya sa Round of 64 at ang panalo sa nasabing round ay posibilidad na makakaharap niya ang Polish tennis star.

Noong nakaraang 2025 Miami Open ay tinalo ni Eala si Swiatek sa score na 6-2, 7-5 subalit bigo siya semifinals laban kay Jessica Pegula.

Inaasahan na maraming mga Filipino fans ang manonood lalo na at umangat pa sa ranked 29 si Eala sa Women’s Tennis Association.

Nagsimula noong Marso 15 hanggang 29 ang Miami Open.