-- Advertisements --

Isang 59-anyos na babae ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tuplac, Kiangan, Ifugao noong Oktubre 29, 2026.

Ayon sa Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.33 gramo at tinatayang halagang P1,244.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng mga operatiba ng Ifugao Police Provincial Office bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.