-- Advertisements --

Kinoronahan bilang Miss World Philippines ang pambato ng Quezon City na si Asia Rose Simpson.

Ipinasa nina Miss World Philippines 2024 Krishnah Gravidez at Miss World 2025 Opal Suchata Chuangsri ang kanilang korona kay Simpson sa pageant na ginanap sa Mallo of Asia.

Bukod sa nasabing award ay nakuha rin nito ang mga special awards gaya ng Dr. Toledo Cosmetics Ambassador; Talent Challenge winner at Beauty with a Purpose.

Kasama rin niyang nagwagi sa best in swimsuit si Valerie pawid ng West Ifugao.

Tinanghal naman bilang First Princess si Anne De Mesa ng Manila at Secon Princess naman si Gabriel Fuentes Galapia ng Pampanga.

Si Asia Rose ay magiging representative ng Pilipinas a Miss World Pageant na gaganapin sa South Korea sa buwan ng Marso.