-- Advertisements --

Isang 35-anyos na umano’y high-value individual ang naaresto matapos makumpiska ang tinatayang 1.15 kilo ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Balugo noong Oktubre 2.

Tinatayang aabot sa P 7.82 milyong piso ang nakumpiskang kontrabando batay sa Standard Drug Price.

Isinagawa ang operasyon ng City Drug Enforcement Unit ng Dumaguete City Police Station, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dakong alas-11:19 ng umaga.

Bukod sa buy-bust item, nakumpiska rin umano ang iba pang sachet at isang pakete ng hinihinalang shabu matapos ang pag-aresto.

Dinala ang suspek sa pulisya para sa kaukulang proseso at paghahanda ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.