-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ng US ang pagtama ng tinaguriang “Monster Storm” na magdadala ng makapal na yelo.

Ang nasabing monster storm ay makakaapekto sa malaking bahagi ng America.

Inaasahan ang nasa 16 na pulgada na kapal na yelo na may habang 2,000 milya mula Texas hanggang New England.

Dahil dito ay maraming mga flights na ang kinansela sa iba’t-ibang bahagi ng US.

Sinabi ni Homeland Security Secretary Kristi Noem na kaniyang pina-activate na ang National Response Coordination Center para imonitor ang bagyo at humingi ng federal suport sa mga apektadong lugar.

Nag-preposition na rin sila ng 30 generators, 250,000 na pagkain, 400,000 litro ng tubig, kumot , pagkain ng mga baa at ilang mga essential na supplies.

Ipinakalat na rin nila ang tatlong Incident Management Assistance Teams (IMATs) na may dagdag na 15 team na naka-stanby, 28 urban search and rescue team ay naka-stanby na rin.

Ilang mga estado gaya ng Kansas, Washington DC, Philadephia ang nagdeklara ng “Sate of Disastar Emergency”.