-- Advertisements --

Naglabas ang sikat na luxury watchmaker na idinesenyo sa bilyonaryo ng India.

Ang nasabing relo ay may tema ng private zoo na pinapatakbo ng pinakamayamang tao sa Asya na si Mukesh Ambani.

Inilabas ang nasabing relo sa India na kumpleto sa hand-painted na figurine ng bunsong anak nito na si Anant.

Gawa ng sikat na Jacob & Co. na ito ay mayroong figures ng leon at Bengal tiger.

Tinatayang ang nasabing relo ay nagkakahalaga ng aabot sa $1.5 milyon.