-- Advertisements --
Ibinahagi ng aktres na si Beauty Gonzalez na ito ay certified yoga teacher na.
Sinabi nito na mag-isa itong nagtungo sa Rishikesh, India para ipursige ang pag-aaral nito ng yoga.
Sa loob ng isang buwan ay naging vegetarian ito at mag-isa rin itong naglalaba ng kaniyang mga damit.
Sa loob ng isang araw ay tatlong beses silang nag-aaral ng yoga at tinuruan sila ng meditiation.
Pinili niya na mag-aral sa paaralan na matatagpuan sa taas ng bundok para makapag-focuse ito sa pag-aaral.
Dagdag pa nito na marami itong natutunan sa yaman kultura at kulay ng India.
















