-- Advertisements --

Magkakasabay ang mga kumpanya ng langis ng pagtaas ng kanilang produktong petrolyo.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.60 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel at kerosene ay mayroong parehas na pagtaas na P1.20 sa kada litro.

Ito na ang pang-siyam na linggo na nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Isa sa mga dahilan na nakita ng Department of Energy (DOE) na dahilan ay ang patuloy na tensiyon sa pagitan ng US at Iran.

Kasama rin ang mataas na demand ng petrolyo sa mga bansang nakakaranas ng labis na kalamigan.