-- Advertisements --

Aabot sa 25 katao ang nasawi mataps ang naganap na sunog sa isang nightclub sa Goa region sa India.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagmula umano ang sunog sa isang pagsabog ng gas cylinder sa kusina.

Ang Birch nightclub ay sikat na pinupuntahan ng mga turista malapit sa dagat.

Kasamang nasawi ang ilang staff ng nasabing nightclub.

Inaresto naman ng mga otoridad ang manager ng nightclub dahil sa insidente.