-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Energy (DOE) laban sa mga nananamantala sa krisis sa Gitnang Silangan.
Nakarating kasi sa kaalaman ng DOE na may ilang mga kumpanya at indibidwal ang nagho-hoard ng mga produktong petrolyo dahil sa inaasahang pagsipa ng presyo nito sa susunod na linggo.
Ayon pa sa DOE na mayroong karampatang kaparusahan ang nasabing kaso na napapaloob sa Republic Act (RA) No. 7581, or the Price Act, hoarding and profiteering.
May ugnayan na sila sa iba’t-ibang ahensiya gaya sa Department of Interior ang Local Government (DILG) ganun din sa Philippine National Police (PNP) para agad na maaresto ang mga gumagawa ng nasabing hoarding.
















