-- Advertisements --
Binigyang linaw ngayon ng Department of Energy (DOE) na walang epekto sa suplay ng langis sa bansa ang papatupad ng export ban ng China.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, na nag-iipoin ang China ng kanilang mga langis dahil sa maraming mga reserves nila ang nailabas noong nakaraan.
Nagsagawa na rin aniya sila ng pag-check sa mga oil companies at nakitang wala itong epekto.
Mayroon aniya ang mga oil companies sa bansa ng long-term contracts at ito ay kanilang mahigpit din na sinusunod.
Magugunitang inanunsiyo ng China na hindi sila mag-eexport sa ibang bansa ng mga langis nila dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
















