-- Advertisements --

Naghahanda ang Department of Energy (DOE) ng ‘worst-case scenarios’ dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nagkaroon na sila ng mga pagpupulong sa iba’t-ibang ahensiya ganun din sa ilang kumpanya ng langis.

Tinalakay nila ang mga kaparaanan kung paano matugunan ang potensiyal na krisis.

May ilang mga scenario silang pinag-usapan kung sakaling tumagal pa ang nasabing kaguluhan.

Pagtitiyak niya na ang prioridad pa rin nila ay matiyak na magkaroon ng sapat na suplay ng langis ang bansa at ito ay abot kaya pa ang presyo.