-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Malaking tulong para sa mga kagaya nilang maliliit na mga drivers at operators ang pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ikinukonsidera nito ang pagpapatupad ng provisional fare increase sa mga public transportation kapag umabot sa P90 per liter ang diesel.

Ito ang sinabi ni Bacolod Alliance for Commuters, Operators, and Drivers (BACOD) President Rudy Catedral.

Dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng kaguluhan sa Middle East, maaaring desisyonan ng LTFRB ang mga petisyon tungkol sa fare adjustments sa mga public utility buses at jeepneys kapag labis na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Nauna dito, nanindigan ang naturang transport group na hindi sila magpapataas ng pamasahe dahil nararamdaman umano nila ang hirap ng mga commuters lalo pa at may domino effect ang pagpapatupad ng fare increase.

Samantala, mas malaking tulong umano kapag tanggalin o suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo at pagbibigay ng fuel subsidy.