-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag bawas sa presyo ng kanilang produktong langis.

Nitong ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P3.01 na bawas sa kada litro ng diesel.

Habang mayroong P1.56 na dagdag naman sa kada litro ng gasolina at P1.77 naman na pagtaas sa kada litro ng kerosene.

Kasama rin dito ay inanunsiyo ni Energy Secretary Sharon Garin ang fuel inventory kung saan ang diesel ay tatagal pa ng hanggang 56 na araw.

Habang ang gasolina ay tatagal pa ng hanggang 53 araw habang ang kerosene ay tatagal pa ng hanggang 147 araw at ang LPG ay tatagal pa ng 31 aras base sa suplay.