Nakakasa na ang muling paghaharap ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr.
Gaganapin ito sa Sphere sa Las Vegassa Setyembre 19.
Ito ang muling paghaharap ng dalawa matapos ang unang sagupaan nila noong 2015.
Magugunitang inanunsiyo ng 48-anyos na si Mayweather ang muling paglaban niya.
Sinabi ni Pacquiao na nananatiling isang pinakamalaking laban sa kasaysayan ang paghaharap nila kaya marami ang nag-abang ng muling labanan nila.
Tinaguriang pinakamalaking kita ang laban ng dalawa noon na mayroong $600 milyon na revenue.
Taong 2017 ng inanunsiyo ni Mayweather ang kaniyang pagreretiro matapos ang makuha ang malinis na 50 panalo at wala pang talo.
Subalit mula noon ay lumaban pa ito sa ilang exhibition fight.
Habang si Pacquiao ay muling lumaban noong nakaraang taon laban kay Mario Barrios sa Las Vegas.
















