-- Advertisements --
Tiyak na ang bronze medal sa 2026 Asian Games ni Pinoy boxer Carlo Paalam.
Ito ay matapos na talunin niya sa quarterfinals si Zhang Jiamao ng China sa pamamagitan ng split decision.
Naging malaking hamon para sa 28-anyos na boksingero ang laban niya kay Zhang subalit napigilan niya ang pagiging agresibo ng Chinese boxer pagdating sa ikatlong round.
Siya lamang ang tanging boksingero ng bansa na magkakamit ng medalya sa 2026 Asian Games.
Susunod na makakaharap nito sa semifinal round ng 55kilogram si Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan.















