Pasok na sa quarterfinals ng 20th Asian Games sa Nagoya , Japan si Pinay boxer Nesthy Petecio.
Ito ay matapos na talunin si Mays Alreem Abukhadijah ng Jordan sa pamamagitan ng Referee stopped contest.
Ipinakita ng two-time Olympic medalist ang kaniyang lakas sa women’s 60kg. class sa Nishio Gymnasium laban sa 20-anyos na kalaban.
Nangyari ang pagpapahinto ng referee sa natitirang 1:51 na oras sa ikalawang round.
Nakontrol ng 34-anyos na si Petecio ang bawat suntok ng Jordanian boxer.
Susunod na makakaharap ni Petecio si Chengyu Yang ng China.
Makakasama ni Petecio ang ilang boksingero ng bansa na nakapasok na rin sa quarterfinals sa pamamagitan nina Carlo Paalam sa men’s 55 kg class at makakaharap nito si Jiaomao Zhang.
Habang si Junmilardo Ogayre ay makakaharap si Olympic at World gold medalist Abdumalik Khalov mula sa Uzbekistan.
















