Maraming mga paliparan sa Asya ang naghigpit sa health monitoring matapos ang outbreak ng Nipah virus sa West Bengal.
Nagtala kasi ng limang health workers sa West Bengal ang dinapuan ng virus noong nakaraang mga linggo kung saan nasa kritikal na kalagayan ang mga ito .
Habang mayroong 110 katao naman na kanilang mga nakasalamuha ang kasalukuyang inilagay sa quarantine.
Ang ansabing virus ay maaring lumipat mula sa alagang hayop patungo sa tao na mayroong mataas na death range mula 40 percent hanggang 75 percent kung saan wala pang mga gamot at bakuna para dito.
Dahil dito ay naghigpit ang Thailand kung saan sa tatlong paliparan nila ay nagsasagawa sila ng screenings lalo na sa mga galing sa India.
Maging sa Nepal ay naghigpit sila sa mga dumarating sa Kathmandu airport at ilang land border nila ng India.
















