-- Advertisements --
Napuno ng usok mula sa cannabis ang Kathmandu, Nepal dahil sa pagdiriwang ng kanilang taunang Shivaratri festival.
Ilang libong katao ang pumila at nagdasal muna sa Pashupatinath isang templo ng kanilang Hindu god na si Shiva.
Mahigpit na pinagbabawal ang marijuana sa South Asian country subalit pinayagan lamang ang paggamit nito para sa nasabing kapiyestahan.
Nagkaroon ng kasiyahan mula sa iba’t-ibang bahagi ng Nepal kung saan pumarada ang ilang mga mananampalataya ng kanilang kultura.















