-- Advertisements --

Inireklamo sa National Bureau of Investigation nina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima at Fr. Flavie Villanueva ang 18-dating sundalo pati abogadong si Atty. Levito Baligod.

Personal pang nagtungo sa tanggapan ng kawanihan ang naturang mambabatas at pari upang magsampa ng mga reklamo.

Partikular na kanilang inihain ang reklamong ‘libel’ at ‘cyber-libel’ laban sa mga nagpakilalang dating Marines o sundalo, at kasama nilang abogado na si Atty. Baligod.

Ayon kay Rep. Leila de Lima, nagsampa sila ng reklamo dahil sa mga paninirang ibinabato laban sa kanya ng mga nabanggit.

Nag-ugat ang reklamo sa alegasyon nakapaloob sa ‘joint-affidavit’ ng grupo nagsasabing nakatanggap umano ng ‘paper bag’ o maleta na may laman milyun-milyon piso halaga ng pera.

Kanya itong mariing pinabulaanan at itunuring na pawang ‘kasinungalingan’ lamang na layon dungisan ang kanyang reputasyon.

Pahayag naman ni Fr. Flavie Villanueva na ang kanilang pagsasampa ng reklamo ay bilang pagtutol sa mga paninirang ginagawa ng grupo.

Samantala, matapos ang paghahain ng mga reklamo sa National Bureau of Imvestigation, agad silang dumiretso sa Department of Justice upang magsampa ng hiwalay pang kaso.

Sa kagawaran, kanilang sinampahan ng ‘reklamong perjury’ ang 18-dating sundalo lumagda sa ‘joint-affidavit’ na isinumite kamakailan sa Office of the Ombudsman.

Itinuring ni Rep. De Lima na kasinungalingan ang paratang na nakipag-pulong siya kay former House of Representatives Speaker Martin Romualdez.

Maisa pang ulit din niyang pinabulaanan ang alegasyon tumanggap siya ng ‘paper bag’ na ibinunyag sa ‘salysay’ ng grupo.