Inatake ang isang cargo ship na nakarehistro sa Thailand habang bumabaybay sa Strait of Hormuz, kung saan tatlong tripulante pa ang patuloy na pinaghahanap hanggang sa kasalukuyan.
Kinumpirma ng Royal Thai Navy na pinuntirya ang barkong Mayuree Naree matapos itong umalis sa Khalifa port sa United Arab Emirates patungong India.
Base sa mga inilabas na litrato ng militar, makikita ang makapal na itim na usok mula sa barko at mga nakalutang na life rafts sa karagatan.
Ayon sa opisyal na pahayag ng hukbong dagat, ang barko ay inatake haban dumadaan sa Strait of Hormuz.
Nailigtas na ng Omani navy ang 20 marinero, habang nagpapatuloy ang rescue operations para sa tatlong nawawalang miyembro ng crew.
Nangyari ang insidente sa gitna ng matinding tensyon sa rehiyon kung saan naglulunsad ng mga pag-atake ang Iran laban sa mga kalapit-bansang nag-e-export ng langis.















