-- Advertisements --

Kinoronahan bilang 2026 Miss Grand International si Jihan Mohin Dimachk ng Tanzania.

Nangibabaw siya sa ibang mga kandidata sa coronation night na ginanap sa Bangkok, Thailand nitong gabi ng Sabado.

Nakuha naman ni Shyare Andrade ng Ecuador ang first runner-up ; habang second runner-up si Beau Megan Goos ng Netherlands; 3rd runner-up naman si Ximena Carrillo ng Guatemala at 4th runner-up naman si Emoura Pham ng Vietnam.

Ipinasa naman ni Miss Grand International 2025 Emma Tiglao ng Pilipinas ang kaniyang korona.

Habang ang pambato ng Pilipinas na si Angelica Lopez mula sa Palawan ay umabot lamang ng hanggang Top 25.

Kahit na bigo ang pambato ng Pilipinas ay nakuha naman nito ang Best National Costume award na ito ay inspired sa mangkukulam.