Sasabak muli sa mundo ng pageantry si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kung saan nakatakda siyang rumampa sa Miss Grand International All Stars sa darating na Disyembre ngayong taon.
Nagagalak na ibinahagi ng beauty queen ang pasasalamat nito sa kaniyang mga fans sa suporta nito bagama’t hindi nito aniya nauwi ang korona noong 2023.
“Back in 2023, I’m so grateful because even though I did not take home the crown, you accepted me like a winner,” saad ni Dee.
Ngunit dagdag naman nito, may ibubuga pa siya aniya sa pageant scene.
“And it’s time to give back and show them that we are better, brighter, and stronger on the MGI All Stars stage,” saad ng beauty queen.
Sumabak sa Miss Universe bilang pambato ng Pilipinas noong 2023 si Dee, ngunit bigo man nitong masungkit ang korona, sumalang muli ang beauty queen bilang pambato sa international pageant ng taong iyon kung saan nakapasok siya sa top 10 at nag-uwi ng sari-saring special awards.
Samantala, hindi lang si Dee ang rarampa sa all stars.
Makakasama rin nito si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, at ang beauty queens na si Fuschia Anne Ravena, Alexia Nuñez, Imelda Schweighart, and Keylyn Trajano, bilang limang pambato ng Pilipinas sa nasabing pageant.
















