-- Advertisements --

Ibinasura na ng Office of the City Prosecutor sa Makati ang reklamong slight illegal detention , unlawful arrest at physical injuries laban sa aktres na si Rhian Ramos at mga beauty queens na sina Samantha Panlilio at Michelle Dee.

Ayon sa prosecutor’s office na mahina ang ebidensiyia kaya nila ibinasura ang reklamo ni alyas “Totoy”.

Ang nagreklamo ay dating drivert at personal assistant ni Ramos na pinagbintangan na nagnakaw ng mga maseselang larawan nina Dee at Panlilio.

Ikinatuwa naman ni Atty. Maggie Abraham-Garduque ang desisyon dahil sa huli ay malalaman talaga na lalabas ang katotohanan.

Magugunitang noong Enero ay naghain ng reklamo ang biktima sa National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente na nangyari sa condominium kung saan siya ay sinaktan umano.

Nagsampa naman ng kasong perjury at qualified theft si Dee laban kay Totoy.

Habang noong Mayo 13 ay nagsampa ng reklamong slight illegal detention, unlawful arrest at physical injuries laban kay Ramos, Dee at Panlilio sa Makati City Prosecutors office.
Mariing itinanggi naman ng tatlo ang paratang laban sa kanila.