Inanunsyo ng UFC Fighter na si Conor ‘The Notorious’ McGregor na ang kaniyang susunod na laban ang posibleng magiging huling laban na niya sa ibabaw ng octagon.
Ginawa ito ng batikang MMA fighter sa isang post sa X habang siya ay nasa kalagitnaan ng kaniyang rehabilitasyon mula sa dinanas na lower-leg fracture sa nakalipas na laban sa UFC 264 sa unang bahagi ng 2026.
Ayon kay McGregor, tiyak na mas malaki ang magiging sales ng kanyang susunod at huling laban kumpara sa mga laban ng sikat na boksingerong si Canelo Alvarez.
Sa kabila nito, wala pang inilabas ang kampo ng Irish fighter na anumang impormasyon ukol sa kung sino ang kinakausap nilang makakalaban ni McGregor, kapag papayagan na siyang sumabak muli sa MMA.
Kung babalikan, maraming MMA fans ang nadismaya sa huling fight ni McGregor ngayong taon upang harapin ang fighter na si Max Holloway dahil sa halip na magandang laban, nauwi lamang ito sa TKO loss.
Nangyari ang knockout sa first round, kasunod ng major injury na dinanas ng Irish fighter sa kaniyang kaliwang paa.













