-- Advertisements --

Hinamon ni American boxer Logan Paul ang MMA champion na si Conor McGregor na kasalukuyang nagpapagaling mula sa kaniyang injury sa pinakahuling laban.

Inaasahang aabutin ng isang taon ang rehabilitasyon ni McGregor dahil sa kaniyang injury sa tuhod, kasunod ng pagkatalo kay Max Holloway sa opening ng UFC 329.

Ang naturang match ang unang laban ni McGregor sa ring matapos ang limang taong pagpapahinga. Bago nito ay natalo rin ang two-division champion kay American MMA fighter Dustin Poirier.

Ayon kay Paul, kasunod ng pagkatalo ni McGregor kay Holloway ay agad niyang tinawagan ang kaniyang manager na ayusin ang posibleng laban ng dalawa.

Aniya, nararapat lamang na magharap ang dalawa bilang kapwa star ng (World Wrestling Entertainment (WWE). Itinuturing umano ni Paul si MacGregor na isang wrestler, sa kabila ng kaniyang sucessful career sa MMA.

Gayonpaman, sinabihan umano siya ng kaniyang manager na posibleng tapos na ang karera ni McGregor kasunod ng panibago niyang pagkatalo.

Sa kabila nito, una nang nangako ang MMA champion na tatapusin lamang niya ang kaniyang rehab at posibleng sa susunod na taon ay muli siyang sasabak sa UFC (Ultimate Fighting Champion). Ang naturangt laban ay posibleng huling match na rin sa karera ni batikang striker.