Naibenta ni social media star Logan Paul ang kaniyang ultra-rare Pokemon trading card sa halagang $16.5 milyon.
Taong 2021 ng nabili ng YouTuber ang Pikachu Illustrator card at rarest Pokemon card sa halagang $5.3-M.
Ayon sa Golding Auction, nabili ni AJ Scaramucci na anak ni dating White House communications director Anthony Scaramucci.
Sinabi nito na plano pa noon niya na mangulekta ng hindi mga nakukulekta.
Hindi makapaniwala si Paul na aabot sa ganung halaga ang kaniyang card.
Nandoon din si Guinness World Records adjudicator Sarah Casson para igawad ang award bilang pinakamahal na trading card na naibenta sa isang auction.
Isinama na rin ni Paul ang kaniyang diamond na kuwintas kung saan isinabit niya ang card.
Ang nasabing diamond necklace ay kaniyang isinuot sa unang pagsabak niiya sa WWE WrestleMania 38 noong 2022.
















