Naitala ang ‘very unhealthy’ na antas ng kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Metro Manila nitong Miyerkules, sanhi ng patuloy na transboundary haze na posibleng may kaugnayan sa nagaganap na sunog sa Indonesia.
Ayon sa Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), namataan ang mataas na antas ng PM2.5 na tumutukoy sa pinong particulate matter na may sukat na 2.5 micrometers sa ilang bahagi ng National Capital Region (NCR).
Ilan sa mga areas na naitala na may “very unhealthy” na lebel ng kalidad ng hangin ay ang Caloocan (University of the East), Las Piñas, Muntinlupa (Parang), Muntinlupa (Filinvest City), Parañaque (Don Bosco) and Parañaque
Samantala, nakapagtala ang mga sumusunod na lugar ng AQI na nasa pagitan ng 101 at 150, na kabilang sa antas na hindi rin ligtas na hangin lalo na sa mga sensitibong grupo tulad ng mga bata, buntis, at mga may edad na.
Kabilang rin sa mga apektadong lugar ang lungsod ng Mandaluyong, Manila, Marikina (Parang), Navotas, Pasay, Pateros, Quezon City (Ateneo), San Juan City, Taguig (Technological University of the Philippines or TUP), kasama rin ang Valenzuela.
Pinayuhan naman ng DENR-EMB na kung maaari ay bawasan ang mga aktibidad sa labas at magsuot ng mask katulad ng N95 bilang pag-iingat.
















