-- Advertisements --

Nagkamit ng silver medal si Alex Enriquez sa women’s jiu-jitsu nagpapatuloy na 20th Asian Games.

Tinalo siya ni Orapa Senatham ng Thailand sa kanilang paghaharap sa finals ng women’s jiu-jitsu 63kg.

Nagtapos kasi ang laban sa 0-0 na deadlock subalit nagwagi si Senatham sa pamamagitan ng advantages.

Ang resulta ay nagbibigay ng kahanga-hangang performance ni Enriquez na siyang nagbigay sa Pilipinas ng pinakamataas na pagtatapos ng sports na jiu-jits sa Asian Games.