-- Advertisements --

Naging usap-usapan ngayon ang pagkikita nina Lisa ng Blackpink at Thai actor na si Blue Pongtiwat.

Nakita kasi ng mga fans niila na sila ay magkasama sa Bangkok, Thailand.

Noon pang mga nagdaang araw din ay magkasama silang nakitang kumakain sa isang restaurant sa Bangkok.

Noon pang Setyembre ng kumalat ang larawan at video ng dalawa na magkasamang nagbakasyon sila sa London.

Ang aktor ay tatlong mas bata sa singer kung saan nakilala ito sa ilang mga pelikula gaya ng “Ready, Set, Love” at maraming iba pa.

Magugunitang una na ring kumalat na hiwalay na ang singer sa negosyanteng si Frederic Arnault na anak ni LVMH Chairman Bernard Arnault.