-- Advertisements --

Pumanaw na ang mayamang influencer na si Igho “Tiny” Ubiribo matapos na sumailalim sa penis enlargement sa Thailand.

Si Ubiribo o kilala bilang si Denisi o Ego ay kasama ang asawa na nagbakasyon sa Thailand.

Nagpasya ito na sumailalim sa cosmetic treatment bilang bahagi ng pagpapalaki ng kaniyang ari.

Tinurukan ang ari ng 43-anyos na British-Nigerian businessman ng 40 milliliters ng hyaluronic acid at lidocain sa ari nito mula sa hindi na pinangalanang klinika sa Thailand.

Nagpamasahe pa ito kasama ang asawang Danielle Simba Allen at biglang nagreklamo ng pananakit sa tiyan at nawalan ng malay ng dalawang beses.

Dinala pa ito sa pagamutan at bago tuluyang nawalan ng malay.

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga doktor na dumanas ang biktima ng pulmonary embolism o isang uri ng pagbara sa blood vessel sa baga.

Mayroon siyang halos 200,000 na mga followers sa kaniyang social media kung saan nakilala ito sa pagpapakita ng mga magagarbo niyang pamumuhay.

Nagmamay-ari din ito ng bahay sa Crenshaw, Los Angeles na nagkakahalaga ng mahigit $1.1 milyon.

Inilibing ito sa London kung saan ang kaniyang kabaong na kulay ginto ay nagkakahalaga ng $745,000 o katumbas ng halos P45 milyon.