Tinanghal bilang bagong kampeon ng America’s Got Talent ang 16-anyos na rakistang si Nene Royal.
Siya rin ang kauna-unahang panalo mula sa bansang Thailand.
Tinugtog nito sa finals ang kantang “Seven Nation” ng American rock duo na The White Stripes.
Pinataob ni Rattikarn Amloy sa tunay na buhay ang ilang mga finalists na isang magician, canine performers at maging mga robot dance crew.
Naging fan favorite si Nene matapos ang audition song nito na kantang “Zombie” ng bandang The Cranberries.
Bago ang pag-anunsiyo ng resulta ay kinanta nito kasama ang bandang Linkin Park at kinanta ang “The Emptiness Machine” patok na kanta ng grupo noong 2024.
Nagwagi ito ng $1-milyon sa ika-21 season ng talent show.
Nagdiwang ang mga taga-Thailand na pinangunahan ni Prime Minister Anutin Charnvirakul ang pag-aabot ng pagbati kay Nene.
















