Kinumpirma ng Bureau of Immigration na nanatili sa Pilipinas ang ilang linggo ang mag-amang suspek na pamamaril sa Bondi Beach sa Sydney, Australia.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, nagtungo sa bansa sina Sajid Akram, 50-anyos at 24-anyos na anak nitong si Naveed Akram.
Dumating ang dalawa sa Davao noong Nobyembre 1, 2025 at bumali sila sa Australia ng Nobyembre 28, 2025.
Lumabas din sa impormasyon na gumamit ang dalawa ng Indian passport.
Magugunitang isinagawa ang mag-ama ang pamamaril noong Disyembre 14 na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Nasawi ang ama habang nagpapagaling sa pagamutan ang anak nito matapos mabaril ng mga otoridad.
Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na konektado ang dalawa sa Islamic State terror dahil nakakita sila ng watawat sa mga sasakyan nila ganun din ang improvised explosive device.















