-- Advertisements --

Umabot sa P9.33 billion ang kabuuang kita ng National Telecommunications Commission (NTC) noong 2025, na higit na mataas kaysa sa itinakdang target ng ahensya, ayon sa pahayag nito noong Linggo.

Sa isang release, sinabi ng NTC na ang nakolektang kita noong nakaraang taon ay umabot lang sa P2.709 billion o humigit-kumulang 41% na mas mataas kumpara sa target na P6.622 billion.

Ayon kay NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, ang positibong revenue performance ng ahensya ay bunga ng pinatibay na regulatory compliance sa sektor ng telekomunikasyon.

Iniugnay rin ni Lopez ang pagtaas ng koleksyon sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon, pinahusay na collection efficiency, at sa patuloy na paglago ng industriya ng telecommunications.

Sinabi ng komisyon na ang lahat ng nakolektang kita ay direktang isinusumite sa Bureau of the Treasury, na ginagamit upang pondohan ang iba’t ibang programa ng gobyerno, kabilang ang Free Wi-Fi Program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ang NTC ang nangangasiwa at nagreregula sa mga cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies, radio operators, internet access service providers, at iba pa kaugnay na serbisyo sa bansa.