-- Advertisements --

Nanindigan ang National Telecommunications Commission (NTC) na kanilang binigyan ng due process ang mga telcos ukol sa pagpapataw nila ng P100,000 na multa kada araw dahil sa mahinang mobile broadband service.

Ayon sa NTC, na ang pagbibigay nila ng mga show-cause orders at pagbibigay ng service standards sa mga telco operators ay nasa mandato at ito ay dumaan sa due process.

Kanilang nirerespeto ang hinaing ng Philippine Chamber of Telecommunication Operators (PCTO) subalit trabaho aniya ng NTC ang magpatupad ng compliance sa service standards.

Makailang ulit aniya na nilang tinawagan ng pansin ang mga telcos ukol sa usapin subalit hindi nila ito nabibigyan ng sapat na atensiyon.