-- Advertisements --

Patuloy na nananatiling malakas ang Bagyong Maymay habang kumikilos ito sa direksyong hilagang-hilagang silangan sa bahagi ng dagat kanluran ng Ilocos Sur.

Ayon sa state weather bureau, ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 145 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 75 km/h malapit sa sentro at bugso na umaabot sa 90 km/h.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 km/h at may lawak ng malalakas na hangin hanggang 180 kilometro mula sa sentro.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa ilang bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Kalinga, Mountain Province, at Benguet.

Samantala, nakataas ang TCWS No. 1 sa natitirang bahagi ng Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, at ilang bahagi ng Central Luzon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng malakas na ulan at hangin.