-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Senator-Judge Sherwin Gatchalian ang umano’y P2.1 milyong ibinayad ng GenCorp kay Vice President Sara Duterte, sa kabila ng iniulat na P46,000 lamang ang kanyang investment sa Davao Bounty.

Ayon kay Gatchalian, kailangang linawin kung ang naturang halaga ay pagbabalik lamang ng puhunan o kinita na mula sa investment.

Naging usapin din ang 19 na kontrata ng GenCorp sa Davao City LGU mula 2022 hanggang 2025, na nagbunsod sa senador na kuwestiyunin ang posibleng conflict of interest.

Gayunman, iginiit ng witness ng depensa na si Atty. Suzette Balucanag-Punay na walang conflict of interest dahil hindi bahagi ng LGU Davao si Duterte.

Ipinaalala ni Gatchalian na ang kapatid ni VP Sara na si Sebastian Duterte ang kasalukuyang alkalde ng Davao City.