-- Advertisements --
Nasungkit ni Pi Durden Forward Wangkay ang bronze medal sa men’s 200-meter final ng Youth Olympic Games sa Dakar, Senegal, matapos magtala ng personal best na 21.36 segundo.
Nakuha ni Ropafadzo Mzondo ng Zimbabwe ang gold medal sa 21.04 segundo, habang silver medal naman ang napunta kay Deuquan Farrell ng Guyana na nagtala rin ng 21.36 segundo. Nanaig si Farrell sa photo finish sa lamang na 0.004 segundo.
Ito ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa kasalukuyang YOG, kasunod ng silver medal ni Naomi Marjorie Cesar sa women’s 800-meter final.








