-- Advertisements --

Inanunsiyo ng girl group na BINI ang paglabas ng kanilang bagong kanta na “Signals” sa darating na Abril 9.

Sa kanilang social media account ay ibinahagi ang anunsiyo kasabay ng cover art reveal kung saan nag-pose sila ng kilalang streetwear.

Magsasagawa rin sila ng “Signals” concerts sa Manila sa darating na Hunyo 20 at sa Cebu naman sa Hulyo 11.

Nasa Los Angeles ang grupo para magtanghal sa music festival na Coachella kung saan sila ang kauna-unahang girl group na magtatanghal sa nasabing event.

Magugunitang nitong buwan ng Marso ay inilabas nila ang bagong kanta na “Unang Kilig”.

Noong nakaranag taon din ay inilabas ng grupo ang kanilang bagong album na “Flames” na kinabibilangan ng mga kantang “Sweet Tooth”, “First Luv” , “Paruparo” at “Shagidi”.