-- Advertisements --
Kabilang ang Pinay group na BINI sa Asia Pop Girl Fest 2027.
Makakasama ng grupo ang dalawang sikat na girl group na HANA mula sa Japan at ang 4EVE ng Thailand.
Ito ang pinagsamang music festival ng tatlong bansa na binubuo ng Japan, Thailand at Pilipinas.
Gaganapin ito sa Enero 22 at 23, 2027 sa LaLa Arena sa Tokyo Bay, Japan; habang sa Pebrero 13, 2027 naman sa Bangkok, Thailand at sa Pebrero 19 naman sa Pilipinas.
Magugunitang nagsagawa na ng ilang mga pagtatanghal ang BINI sa iba’t-ibang bansa kung saan kinanta nila ang mga sikat na kanta nila gaya ng “Salamin”, “Pantropiko” at maraming iba pa.
















