-- Advertisements --
Nagsumite ang Pinay girl group na BINI ng tatlong entries nila para sa 2027 Grammy Awards.
Kabilang sa isinumite nila para sa consideration ay ang kantang “Unang Kilig” sa kategoryang Best Asian Pop Music Performance.
Habang ang kantang “A Parallel World” ay isinumite for consideration sa Best Song Written for Visual Media category.
Kasama na isinumite ang grupong BINI bilang pambato sa Best New Artist Category.
Maraming fans ng grupo ang ikinatuwa ang nasabing pagsumite nila sa Grammy Awards.















