-- Advertisements --

Sinubukan mismo ni Taiwan Minister Michael Lee ang pagsakay sa Metro Rail Transit (MRT) sa unang pagkakataon upang maranasan ang kalagayan ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila tuwing rush hour.

Matapos dumalo sa private screening”ng pelikulang Hope for the Dawn to Come, dumiretso ang opisyal sa Araneta–Cubao Station.

Dito ay pumila siya at gumamit ng Beep card tulad ng karaniwang mananakay.

Sa kaniyang obserbasyon, binigyang-pansin ni Lee ang disenyo ng istasyon at ang pangkalahatang imprastraktura ng tren.

Partikular na pinuri ng Minister ang bilis ng biyahe, ang nakapaskil na travel times, ang kalinisan sa loob ng mga bagon, at ang disiplina ng mga pasaherong Pilipino sa pagsakay at pagbaba ng tren.

Umabot lamang ng 20 minuto ang kaniyang biyahe hanggang sa makababa sa Ayala Station—isang malaking kaibahan kumpara sa tagal ng biyahe sa kalsada kapag matindi ang trapiko.

Inilarawan ni Lee ang kaniyang karanasan bilang smooth at positibo, na nagbigay sa kaniya ng mahalagang insight sa araw-araw na commute ng mga Pilipino at sa realidad ng urban public transport.

Nang tanungin kung muli siyang sasakay sa MRT, mabilis at positibo ang naging tugon nito: Absolutely!