Tiniyak ng Department of Agriculture (DA ) na wala ng kakulangan ng bigas.
Kasunod sa naging reklamo ng ilang residente ng Bocaue, Bulacan na hirap silang makabili ng bigas.
Base sa reklamo ng ilang mga negosyante ng hirap silang makakuha ng mga suplay nilang bigas na ibebenta kung saan umaabot pa ng hanggang magdamag ang kanilang pagpila.
Sinabi ni DA spokesperson Arnel de Mesa, na kakarating pa lamang sa bansa ang suplay ng nasabing imported rice dahil nagtapos na noong katapusan ng 2025 ang ban ng nasabing imported na bigas.
Dagdag pa nito na noong Enero 22 ay mayroong 248,000 na metric tons ng imported na bigas ang dumating sa bansa.
Bukod pa dito ay tuloy-tuloy ang pagdating ng bigas sa bansa dahil sa pinayagan ang maraming pantalan na maaring bagsakan ng nasabing bigas.
















