-- Advertisements --
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga ahensiya ng mga gobyerno na magsumite ng kanilang mga progress reports sa mga proyekto kada dalawang linggo.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, na layon nito ay para matiyak ang tranparency at accountability sa implementasyon ng mga priority programs.
Isinagawa ng pangulo ang kautusan noong nakaharap niya ang economic team nito.
Binalaan pa ng pangulo ang mga ito na mayroong kakaharapin na kaparusahan kapag magsumite sila ng maling ulat.
Magkakaroon aniya ng mga monitoring mechanism para matiyak na ang report ay accurate at hindi inimbento ang mga nakasaad dito.
















