-- Advertisements --
Asahan muli ang panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa galaw ng pandaigdigang merkado, inaasahang tataas ang presyo ng gasolina ng humigit-kumulang P0.10 kada litro, diesel: P0.85, at kerosene ng P0.45.
Ayon sa DOE, dulot ito ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa mga supply disruption sa Estados Unidos, mabagal na pagbawi ng produksiyon sa Kazakhstan, tumataas na tensyon sa Iran, at desisyon ng OPEC+ na ipagpaliban ang pagdagdag ng produksyon.
Inaasahang iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na price adjustment sa Lunes, Pebrero 2, 2026.
















