-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Justice na inisyuhan na ng ‘subpoena’ sina Sen. Jinggoy Estrada, ex-Sen. Bong Revilla at former DPWH Sec. Manuel Bonoan.

Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, inilabas ang naturang ‘subpoena’ noong Biyernes para sa mga naturang respondents.

Sa susunod na buwan aniya ng Pebrero nakatakda ang pagsasagawa ng ‘preliminary investigations’ hinggil sa mga reklamo.

Ito’y sa petsang ika-2 at ika-12 ng Pebrero ng kasalukuyang taon 2026.

Kaugnay ang subpoena sa kapwa nila kinakaharap na ‘plunder at graft case’ may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.