Hinamon ng mga youth leader mula sa Kalayaan Kontra Korapsyon (KKK) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na unahin ang pagpapakulong sa mga sangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects sa halip na magsampa ng kaso laban sa mga kabataang patuloy na nagbubunyag ng katiwalian.
Sinabi ni KKK Secretary-General Aldrin Kitsune na nakatanggap na siya ng dalawang subpoena mula sa Department of Justice kaugnay ng reklamong inciting to sedition na inihain ng Philippine National Police, na iniuugnay sa kanyang paglahok sa “Baha sa Luneta” rally noong Setyembre 21, 2025 at sa kanyang mga online post.
Ayon kay Kitsune, dapat ituon ng administrasyong Marcos ang pansin sa pagsasakdal sa mga responsable sa korapsyon sa flood control projects kung totoo ang pangakong paglaban sa katiwalian, sa halip na kasuhan ang mga nagpoprotesta.
















